| Forum Home > Q & A > Tungkol sa Dugo | ||
|---|---|---|
|
Member Posts: 19 |
Genesis 9:4 Nguni't ang lamang may buhay, na siya niyang dugo, ay huwag ninyong kakanin. kung ang pag kain ng Dugo Bawal po. paano nmn po ang pagsasalin ng Dugo Sa Katawan ng hindi kinakain???:) | |
--
| ||
|
Administrator Posts: 3 |
Paumanhin sa late na reply, sa kadahilanang abala nitong nagdaang holidays. Upang maliwanagan nating maigi ang tungkol sa dugo, kinakailangan nating unawain ang sinasabi tungkol dito at ang layunin nito. Pagbabawal sa pagkain ng dugo. Pagkatapos ng malaking baha na lumipol sa sangkatauhan, ipinahintulot ng Dios ang pagkain ng laman ng hayop ngunit hindi ng dugo niyaon, (Genesis 9). Nuon din inilagay ng Dios ang pagkatakot ng mga hayop sa tao. Ang tipan ng Dios kay Noe ay paghahanda para sa susunod Nyang tipan at kautusan ukol sa paglilinis sa kasalanan sa pamamagitan ng dugo ng hayop (Leviticus 17) Layunin ng dugo ng hayop Ang layunin ng dugo ng hayop nuong unang panahon ay para sa pagpapatawad at paglilinis sa mga kasalanan (Lev 17:11) kaya ipinagbawal ng Dios ang paghipo at pagkain niyaon.
Ang layunin ng dugo ng hayop ay pansamantala Subalit ang kautusan ng Dios tungkol sa dugo ay pansamantala lamang, (Heb 10:1) hanggang dumating ang takdang araw ng ating Panginoong Hesus, na aalisin ang unang tipan upang itatag ang ikalawa, “… Sa pamamagitan ng kaniyang kalooban, ginagawa tayong banal sa pamamagitan ng paghandog ng katawan ni Jesucristo minsan at magpakailanman.” (Heb 10:9-10). Sa pagkamatay at pagkabuhay na maguli ng ating Panginoong Hesus, pinawalang bisa Nya ang layunin at kautusan ukolsa dugo ng hayop. Sapagkat ang dugo ng ating Panginoong Hesus ang totoong nakapapaglinis ng ating mga kasalanan, at ang kautusan ay may isang anino lamang ng darating. Kaya sa panahong ito, nawala na ang tabernakulo o place of sacrifice at ang paghahadog ng mga hayop para sa pagpapatawad ng mga kasalanan, sapagkat nawalan na ng bisa ang dugo ng hayop para sa paglilinis ng mga kasalanan. Basahin ang mga sumusunod na talata na makatutulong sa ating pang-unawa : "And so Jesus also suffered outside the city gate to make the people holy through his own blood." - Hebrews 13:12 "To Jesus the mediator of a new covenant, and to the sprinkled blood that speaks a better word than the blood of Abel." - Hebrews 12:24 "Therefore, brothers, since we have confidence to enter the Most Holy Place by the blood of Jesus." - Hebrews 10:19 "But now in Christ Jesus you who once were far away have been brought near through the blood of Christ." - Ephesians 2:13 "By the precious Blood of Jesus Christ we are washed from our sins, we get Victory over the Devil and his angels, cleanses our conscience, brings us forgiveness of sins, We are made righteous, holy and united with God. Jesus said to them, "I tell you the truth, unless you eat the flesh of the Son of Man and drink his blood, you have no life in you." - John 6:53 Tungkol sa talata Mga Gawa 15:20 at 29 Hindi iilan ang gumagamit sa dalawang talatang ito upang ipagbawal ang pagkain ng dugo, na dito’y marami ang nauuwi sa pagtatalo-talo. Upang maunawa, kailangan nating basahin ang buong kabanata 15. Sinasabi dito na maraming Gentil ang nangagbalik loob sa Panginoon, subalit may mga naging mga mananampalataya rin na taglay parin ang kautusan (Gawa 15:5) at ibig nilang itoy sundin at gawin ng mga bagong mananampalatayang gentil. At upang mai-iwas ang iglesia sa kontrobersiya at pagtatalo-talo, pinasya ng konseho na sumulat sa mga gentil at ipadala sa pamamagitan ni Pablo at Bernabe na ang nilalaman ay: “Na kayo'y magsiilag sa mga bagay na inihain sa mga diosdiosan, at sa dugo, at sa mga binigti, at sa pakikiapid; kung kayo'y mangilag sa mga bagay na ito, ay ikabubuti ninyo.” (Gawa 15:29). Hindi ibig sabihin ng nilalaman ng Gawa 15 ay pinagbawal na ng Dios ang pagkain sa dugo. Kung ating uunawain, ang konseho ang nagpasya nito, (at sinabi na “umilag” o “umiwas”, hindi pinagbawal) at ito ay para makaiwas sa pagtatalo-talo at kontrobersiya ang napakabatang iglesia. Sapagkat ang ating kaligtasan ay hindi sa pagkain o ano pa man. Ito ay biyaya ng Diyos (Eph 2:8-9) Conclusion. Ang kautusan tungkol sa dugo ng hayop ay wala ng bisa. Kainin man, o transfusion, o ano pa man, wala itong maidudulot na spiritual effect. Kung ating ihahambing sa gamot, ito ay expired o lipas na. Inumin mo man, wala ng bisa. Tungkol sa pagkain, hindi dapat tayo mag-talotalo. Sapagkat ang ating pagiging ganap ay dahil sa pananampalataya, hindi dahil sa pagkain o kautusan, ito’y dahil kay Kristo.
Sana'y nakatulong ito sa iyong pananaliksik. Pagpalain ka nawa ng ating Dakilang Dios. | |
| ||
You must login to post.