Emmanuel Community Church

Click here to edit subtitle

Forums

Post Reply
Forum Home > Q & A > Pagdarasal

Rommel
Member
Posts: 2

paano po ba ang tamang pagdarasal?

January 12, 2013 at 6:40 PM Flag Quote & Reply

Henry
Administrator
Posts: 3

Salamat sa iyong katanungan Ka Rommel.

Panalangin:

Ang panalangin ay pakikipagusap natin sa Dios na buhay at pagsasalaysay natin sa Kanya ng ating tunay na damdamin at laman ng ating puso.

Ang panalangin ay nakapagpapagalaw ng kamay ng Dios upang maranasan natin ang kanyang biyaya, kapangayarihan at ang Kanyang kapahayagan sa ating buhay.

Napakahalaga ng panalangin sa buhay ng isang Kristiyano. Ito ay parang hininga, may kasabihan: "seven days without prayer makes one weak." Kung panano tayo humihinga ay gayon din dapat ang ating pananalangin.

Kapag ang panalangin ay nawala sa pamumuhay ng isang kristiano, mamatay ang kanyang espiritu, sapagkat ang panalangin ay pakikipagugnayan ng ating espiritu sa Dios na syang pinagmumulan ng kalakasan ng ating espiritu.

Paano mananalangin:

Mahalagang matutunan ng Kristiano ang tamang pananalangin upang lumago at tumatag sa pamumuhay.

Ang ating panginoong Hesus ay nag-iwan ng tuntunin sa pananalangin na ating mababasa sa Mateo 6:5-14.

Sa talata 5, ipinahahayag na may pagpapakumbaba ang paglapit sa Diyos sa pananalangin, ang panalangin ay hindi pakitang tao, o pagpapakita na ikaw ay relihiyoso.

Sa talata 6, ipinahahayag na ang panalangin ay isang "personal" na pakikipanayam sa Diyos, ibig sabihin ay totoo sa puso at damdamin, walang pagkukunwari, tila nakikipagusap ka sa iyong ama.

Sa talata 7, ipinahahayag na ang pananalangin ay di dapat paulit-ulit, o kaya'y kinabisang pangungusap.

Ang panalangin ay kailangan "natural" galing sa puso at damdamin, walang pagkukunwari. Sapagkat ang Dios ay nakikita at nababasa ang nilalaman ng ating mga puso.

Sa mga talatang 9 hanggang 14, sinasabi kung paano natin ipahahayag ang ating mga panalangin.

1. Ituon lamang natin ang ating panalangin sa iisang Dios na buhay na nasa langit. Sapagkat may mga tao na nananalangin sa ibat-ibang diyos at sinasabi nilang "tagapamagitan". Nais ng Diyos na isaysay lamang natin sa kanya ang ating mga panalangin.

2. Hinahayag ng ating panalangin ang papuri, pagdakila at pagsamba sa Kanya.

3. Ang ating dalangin ay dapat naghahangad na ang katuwiran at kalooban ng Diyos ang dapat mangayari sa ating buhay o mga hinaing.

4. Dapat ay may hangaring magpalinis ng buhay sa Diyos, at ang buhay maging katanggap-tanggap sa Kanya.

5. Itiwala at isampalataya sa Diyos ang lahat ng pangangailangan, buhay, proteksyon at patnubay.

Iba-iba ang sitwasyon ng bawat tao, iba-iba rin ang panalangin. Ang halimbawa na ibinigay ng ating Panginoong Hesus ay upang maging maayos at tumpak at epektibo ang ating pananalangin.

Sa buod nito, ang ating panalagin ay dapat personal, totoo sa puso at may buong pananampalataya (Marcos 11:24, Santiago 1:6)

To have an effective prayer

Be righteous. James 5:16 ...Malaki ang nagagawa ng maningas na panalangin ng taong matuwid.

Sapagkat ang taong matuwid ay nagsasaliksik at hinahangad ang kalooban ng Dios. Ipinapanalangin nya ay ang nasa at nakalulugod sa Diyos.

Tips:

Sa iyong pananalangin, upang magkaroon ng gabay. ibukas mo ang iyong palad at itaas (kaliwa o kanan, parang nanunumpa)

1. Thumb, since this is near your heart - pray for your love ones, ipanalangin mo ang malapit sa iyong puso. Gayun din ang iyong mga kaaway na nakulong sa puso mo.(Mat 5:44, 1 Peter 3:9)

2. Index, fore finger, pointer finger (hintuturo) - pray for those who teach, instruct and guide you. Kailangan din nila ng panalangin upang lalong maging epektibo sa mga ministeryo. (eph 6:18-20)

3. Middle Finger, it reminds us of our leaders - pray for our leaders (nation, community, work etc). they need a lot of prayers! (Jonah 3:6-10)

4. Ring Finger, the weakest finger - pray for one another in Christ. Pray for those who are weak, in trouble, sick or pain, especially those sick in spirit (James 5:16)

5. Little Finger, the littlest - this is where we should place our self - pray for your self.

I hope nasagot nito ang iyong katanungan.

Pagpalain ka nawa ng Diyos.

-H

January 19, 2013 at 9:39 AM Flag Quote & Reply

Rommel
Member
Posts: 2

thanks bro. henry, ok na rin po ung website mas maganda na po siya at di na po ako nahihirapan magbasa malinaw na po kc.

January 19, 2013 at 6:36 PM Flag Quote & Reply

You must login to post.