Emmanuel Community Church

Click here to edit subtitle

Forums

Post Reply
Forum Home > Q & A > Ang Buhok at Pananamit ng Kababaihan

Marissa
Administrator
Posts: 6

1 Mga Taga-Corinto 11:13-16

13 Hatulan ninyo sa inyo-inyong sarili: nararapat baga na manalangin ang babae sa Dios nang walang lambong? 14 Hindi baga ang katalagahan din ang nagtuturo sa inyo, na kung may mahabang buhok ang lalaki, ay mahalay sa kaniya? 15 Datapuwa’t kung ang babae ang may mahabang buhok, ay isang kapurihan niya; sapagka't ang buhok sa kaniya’y ibinigay na pantakip. 16 Datapuwa’t kung tila mapagtunnggali ang sinoman, walang gayong ugali kami, ni ang iglesia man ng Dios.

Sa mga talatang ito, si Pablo ay nagsalita sa mga Kristiano sa Corinto(silang nagmula sa Jewish environment). Sa kanilang kultura, kahit ang mga lalaki ay kailangang magtalukbong o magtakip ng ulo habang nananalangin, kaya mas lalong higit ang mga babae. Kaya ang mga babae ay kailangan may takip ang ulo kapag may pagtitipon sa iglesya. Patungkol sa buhok, sa kalikasan at kahit anong kultura, mas mahaba ang buhok ng babae kaysa lalaki. Ngayon dahil sa mahaba ang buhok ng kababaihan, inisip ni Pablo na ang buhok na ito ay natural na pantakip ng ulo o belo. Para sa kanya kung ang mahabang buhok ay bigay ng kalikasan gamitin ito bilang pangtakip ng ulo (ayon sa kaugalian ng mga katutubong taga-Corinto).

Ngunit walang sinabi na bawal o masama ang magpagupit ng buhok ang mga babae. Unless magpapagupit sya ng tulad sa gupit ng lalaki o magmumuka siyang lalaki. Kailangan pa rin na makilala siya na isang babae sapamamagitan ng kanyang ayos ng buhok. Gayon din, kung ang haba nga ng buhok ng isang babae ngunit hindi naman niya ito kayang ayusin o linisin ng tama, ano ang silbi?

 

1 Kay Timoteo 2:9-10

9 Gayon din naman, na ang mga babae ay magsigayak ng mahinhing damit na may katimtiman at hinahon; hindi ng mahalagang hiyas ng buhok, at ginto, o perlas o damit na mahalaga;. 10 Kundi (siyang nararapat sa mga babae na magpakabanal) sa pamamagitan ng mabubuting gawa.

Nararapat lamang na ayusin ng babae ang kanyang sarili, manamit ng maayos, maging mahinhin at maging kagalang-galang ang itsura. Totoong mas magandang tingnan ang naka-bestida o kaya ay naka-blouse at palda ang babae, ngunit hindi naman sinabi rito na bawal ang pantalon o short. Kung naka-dress nga o palda, micro mini naman o kaya ay napakanipis ng tela ng damit, sa palagay mo ba ito ay kagalang-galang? Gayon din sa pagsusuot ng pantalon, kung ito naman ay nakahapit na sa katawan o kaya ay short na sobrang iksi hindi rin kagalang-galang. O kaya naman naka-bestida nga pero kung maupo naman daig pa ang upo o kilos ng lalaki. Kaya nga iniuutos lamang na magsuot na may kaayusan at simple.

Tungkol sa pagsusuot ng alahas, hindi bawal ang magsuot ng alahas tulad ng ibang paniniwala ngunit huwag namang lahat ng daliri ay lalagyan ng singsing o ang buong braso ay puno ng pulseras o kaya ay maraming hiwak na suot o kaya lahat ng kwintas ay nakasabit sa leeg…na nagmukha ng Christmas tree sa dami ng suot na alahas. Ang punto dito ay maging maayos at kagalang-galang ang anyo o itsura.

At sa huli, tandaan natin hindi sa panlabas na anyo kaya tayo maliligtas. Hindi sa panlabas na anyo para tayo ay mapunta sa langit kundi sa pagkakaroon ng personal na relasyon kay Jesus na Siyang namatay para sa ating mga kasalanan. Bagaman may mga nagsasabi nga na ang Dios ay nakatingin sa puso hindi sa panlabas na anyo, ngunit kung si Kristo Jesus ang iyong Panginoon, makikita yan sa iyong anyo at gawa.

 

Sana ay naging maliwanag ang tungkol sa buhok at pananamit.

February 26, 2013 at 10:08 AM Flag Quote & Reply

Marissa
Administrator
Posts: 6

There is nothing wrong with women wearing pants or shorts. Concerning to the scripture in the Old Testament where Moses told the children of Israel that "a woman shall not wear that which pertains to a man" (Deut 22:5 KJV). This passage deals with "cross-dressers", women and men trying to disguise their gender. In our day, pants and shorts are clothing for both men and women. There is no disguising what gender you are based on wearing pants or shorts. Besides, consider this, there were no pants in Bible days—that is strictly a modern dress style. The men in Bible days wore garments called tunics that looked like dresses. Does this mean that men should wear the same "dress-like" garments that Jesus and others wore?

Concerning modesty: the Bible does teach it. I also want women to dress modestly, with decency and propriety, not with braided hair or gold or pearls or expensive clothes, (1 Tim 2:9)

There are no strict rules for modesty, except what is subject to society. What is modest for one society would be immodest to another. Every believer must wear what his or her society deems as modest. Christian men and women should not wear clothes aimed to entice others and promote licentiousness. God knows everyone’s heart, so no one should try to fool God, He knows exactly why we wear what we wear.

March 5, 2013 at 8:58 AM Flag Quote & Reply

You must login to post.